Copy of Read This Well 1

Maglibang at Matuto sa Kuwentong “Lastiko ni Kuya Renaldo”

Naranasan mo na bang maglaro ng lastiko? Anu-anong mga larong lastiko ang nalaro mo na? Tara, samahan natin si Kuya Renaldo sa kuwentong Lastiko ni Kuya Renaldo.


Nabubungaran pa lamang ng mga bata na paparating na si Kuya Renaldo ay grabe na ang tili ng mga ito. Hindi mapagsidlan ng tuwa. Kumbaga, nariyan na naman kasi ang paborito nilang kalaro.

Dala-dala palagi ni Kuya Renaldo ang isang supot na punong-puno ng lastiko.

Siya kasi ang pinakamahusay sa paglalaro ng lastiko sa kanilang lugar. Kahit anong laro, maging mga magic tricks dito ay memoryado niya.

Lastikoman kung ituring siya sa kanilang lugar. Dumarayo pa siya sa ibang lugar para lamang makapaglaro ng lastiko.

“Tara, kuya Renaldo, laro tayo ng dampa,” ang paanyaya ni Ritz sa kanya. Si Ritz ang isa mga batang palagi niyang nakakalaro. Nariyan pa sina Oleng, Pepeng, Klarisse, at Jenna.

“Sige, sige.” sagot naman ng bagong dating na gustong-gusto nang simulan ang laban.

Ang totoo, kanina pa nakahanda ang mga lastiko nina Oleng at Pepeng. Sina Klarisse at Jenna naman ay natalo noong nakaraan at hindi pa nakakabili ng mga bagong larong lastiko. Malayo kasi ang bayan kung saan sila nagpapabili sa kanilang mga magulang.

Hindi naman problema ‘yan, mag-cheer na lang sila kay Kuya Renaldo. Mayamaya ay mamamahagi ‘yan. Kapag nanalo na, itatapon niya sa ere ang mga napanalunan at saka naman pupulutin ng mga kalaro niya para puwede ulit sila maglaro kinabukasan.

Nagpunta ang mga magkakaibigan sa bakanteng covered court at saka sila gumuhit ng starting line, inayos ang mga rubber bands at saka nagsimulang maglaro.

hand drawn handdrawn scribbles g7glz0i9ij89djpuhl
Photo by Kev Lavery on Giphy

Naunang humampas sa lupa si Kuya Renaldo gamit ang nakasarang palad niya.

“Ayun, marami kaagad ang napanalunan ni Kuya,” sigaw ni Jenna. Tumili naman ng malakas si Klarisse na tuwang tuwa.

“Kailangan kasi ng koordinasyon, lakas ng braso at tantyahan para manalo rito,” sagot naman ng natutuwang Renaldo.

Hanggang sa pagkakataon na rin nina Oleng at Pepeng. Hindi sila ganoon kahusay sa paglalaro ng lastiko pero peborit kasi nilang kalaro si Kuya Renaldo dahil siya ay masayahin, palakuwento at bibo.

Hindi man sila nananalo, masaya naman ang experience. “Ayun, nanalo rin ako,” sabi ni Oleng. “Kaya lang, mas marami na ang talo,” dugtong niya.

Nagtawanan ang magkatabing sina Jenna at Pepeng. Sumigaw si Jenna, “Yan kasi, alam na ngang matatalo nakikipaglaro pa.”

“Naku, kahit manalo o matalo basta makapaglaro ng dampa, masaya kami,” saad nina Oleng at Pepeng.

Nagpatuloy ang kanilang masayang paglalaro. Punong puno ng tawanan, kuwentuhan at siyempre ang pag-idolo kay Kuya Renaldo.

“Hindi naman ako nakikipaglaro para manalo,” sabi ni Kuya Renaldo. “Narito ako para makipaglaro at mag-enjoy.”

kid cmalqijmb7ygw
Photo by on Giphy

Nang mag-aalas siyete na ng gabi ay nagpaalam na si Kuya Renaldo para umuwi sa kanilang bahay. Nag-aadvance reading pa kasi ito para sa kanilang klase kinabukasan.

Kagaya ng nakagawian ay inihagis niya sa ere ang mga napanalunang lastiko at agad-agad namang pinulot ito ng kanyang mga kalaro na masayang-masaya. Maging sina Klarisse at Jenna ay marami ring napulot.

“Maglalaro ulit tayo bukas,” ang masaya niyang sabi sabay lakad pauwi sa kanilang bahay.

“Yan si Kuya Renaldo, mapagbigay at mabait,” sambit ng kanyang mga kalaro.

Umuwi na rin sina Oleng, Pepeng, Klarisse at Jenna dahil mag-aadvance reading din sila lalo pa at mukhang magpapa-eksam si Ma’am Erlinda. Gusto rin kasi nila ng mataas na marka, gaya ni Kuya Renaldo. (end)

Leave A Comment

you might also like